BINABANTAYAN ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang konsehal na sangkot sa pagpatay na may planong umalis ng bansa.
Ipinag-utos ni Ilocos Norte police provincial director S/Supt Gerardo Ratuita sa PNP Dingras na agad makipag-ugnayan sa BID matapos makatanggap ng impormasyon na may plano ang isa sa mga tatlong suspek sa pagpaslang kay Glen Dichoso Guerero ng Brgy. Guerero, Dingras na umalis sa bansa.
Tinukoy ng opisyal ang suspek na may planong magtungo sa ibang bansa na si Sangguniang Bayan Member Nathaniel Taylan.
Ayon kay Ratuita, kailangang makipag-ugnayan ang PNP Dingras sa BID upang mahadlangan ang anumang balakin ng suspek na lumabas sa bansa.
Una rito, sinampahan ng kasong murder si Konsehal Taylan at ang dalawa pang suspek na sina Melcon Saguid, anak ni Vice Mayor Jeffrey Saguid at Brixton Aquino.
Si Taylan ang itinuturong triggerman habang nagsilbi namang lookout sina Saguid at Aquino sa krimen.
The post Konsehal na sabit sa pagpatay todo-bantay ng BID appeared first on Remate.