BINALEWALA ng Moro Islamic Liberatin Front (MILF) ang deklarasyon ni Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari na pagtatag ng Bangsamoro Republik sa ilang bahagi ng Mindanao.
Ipinaliwanag ni MILF spokesman Von Al-Haq na hindi makikialam ang MILF sa hakbang ni Misuari dahil may pinaiiral na peace talks ang mga ito sa gobyerno.
Kaugnay nito, umaasa si Al-Haq na hindi magiging balakid sa usapang pangkapayapaan ang hakbang ng MNLF.
Ani pa Al-Haq, sariling hakbang lamang ni Misuari ang nasabing deklarasyon ar walang kinalaman ang MILF.
The post Deklarasyon ni Misuari binalewala ng MILF appeared first on Remate.