IPINAHAYAG ngayon ng PAGASA na napananatili ng bagyong Maring ang taglay na lakas sa nakalipas na magdamag.
Ayon pa sa PAGASA, umaabot pa rin sa 55 kilometro kada oras ang dalang hangin ng naturang sama ng panahon.
Huling namataan ang bagyo sa layong 470 kilometro sa Silangan ng Itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong pasilangan sa bilis, 9 na kilometro kada oras.
Samantala, ang Metro Manila at mga karatig lugar ay apektado naman ng hanging habagat na pinaiigting ng bagyong Maring.
The post Bagyong ‘Maring’ napanatili ang lakas appeared first on Remate.