TALI sa duyan ng bunsong anak ang ipinambigti ng isang ginang na kapapanganak pa lamang sa Aklan nitong Biyernes ng gabi, Agosto 17.
Tinangka namang isalba ng mister na si Matt, 25, sa pamamagitan ng paglalatag ng first aide ang kanyang misis na si Rowena Apolinario, 23, pero huli na ang lahat.
Sa ulat, nadiskubre ang nakabiting bangkay ng biktima alas-10:25 nitong Biyernes ng gabi sa loob ng bahay ng mag-asawa sa Barangay Dit-ana, Madalag, Aklan.
Bago ito, nanggaling sa trabaho si Matt at pagpasok niya sa kanilang bahay ay nagimbal nang makitang nakabitin ang katawan ng biktima sa biga ng kanilang kisame.
Mismong ang tali aniya sa duyan ng kanilang anak ang nakapulupot sa leeg ng kanyang misis.
Ayon kay Matt, wala naman silang pinag-awayan ng kanyang misis kaya palaisipan sa kanya kung bakit ito nagpakamatay.
The post Kapapanganak lamang na ginang, nagbigti sa tali ng duyan ng anak appeared first on Remate.