Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Catholic vote kontra pro-RH isusulong

$
0
0

ILANG obispo ng Simbahang Katoliko ang desididong maisulong ang Catholic vote laban sa mga kandidatong pabor sa Reproductive Health (RH) law sa midterm elections sa Mayo 13.

Ayon kay Lipa Archbishop Ramon Arguelles, bubuo sila ng guidelines o panuntunan para maisakatuparan ang Catholic vote.

Aniya, ilalatag nila ang naturang panuntunan sa isasagawang “governance summit” na pangungunahan ng Archdiocese of Lipa.

Sinabi ng arsobispo na mahigpit nilang ipinaglalaban na magkaroon ng panuntunan sa tamang pagboto ng mamamayan ng Batangas.

“Gagawa pa kami dito sa Batangas, gagawa kami ng guidelines. Kasi we are really fighting for a Catholic vote,” ayon kay Arguelles.

Ani Arguelles, ang mga panuntunan ay magbibigay ng gabay sa mamamayan kung sino ang dapat at hindi dapat iboto.

Aminado naman ang arsobispo na kabilang sa mga kanilang panuntunan ay huwag iboto sa 2013 midterm elections ang mga kandidatong bumoto para maipasa ang kontrobersiyal na Reproductive Health (RH) law, gayundin ang mga kandidatong corrupt, hindi kontra sa simbahan at tapat sa kanilang asawa.

Inamin din nito na posibleng kakaunti o walang kandidatong makapasa sa ganitong uri ng panuntunan ngunit nanindigang ito ang nararapat na mahalal bilang mga lider ng bansa.

Umaasa rin si Arguelles na darating din ang panahon na magiging maganda ang pamamahala sa gobyerno batay na rin sa mabuting pagpili ng kandidato.

Samantala, sinabi naman ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes na isinasapinal na ng kanyang Diocese ang guidelines sa tamang pagboto na magiging gabay ng mga residente sa darating na halalan sa Mayo.

Aniya, ikakampaya rin nila sa Sorsogon ang Catholic vote laban sa mga pro-RH.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>