NANGANGAPA ang Malakanyang kung kailangan pang lumikha ng batas o magkaroon ng kasunduan na nararapat ratipikahan sa posibleng pagtatayo ng karagdagang pasilidad ng Estados Unidos para ma-accommodate ang kanilang mga sundalo.
Ito ang inamin ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, wala aniya siyang detalye sa usaping ito.
“I don’t have those details yet. I understand from the Secretary of National Defense, he mentioned he was very explicit yesterday when he mentioned that it would be in the framework na iyong one, of course, adherence to our Constitution; as well as the existing agreements that we have with the United States; and, third, he also emphasized the non-permanence of… He emphasized the non-permanence element in the negotiations,” ani Usec. Valte.
Tumanggi namang magbigay ng anomang komentaryo si Usec. Valte kung kailangang balikatin ng gobyerno ang gastusin sa posibleng pagtatayo ng pasilidad para sa mga sundalong Kano.
Inihayag ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan) na ang pagpapahintulot na magkaroon ng oportunidad ng de facto base ang US troops sa Pilipinas ay pambabastos sa soberenya ng bansa at paglabag sa Konstitusyon.
Anang grupo, magsisilbing imbakan ng armas pandigma ang bansa at lunsaran ng pakikialam ng US sa ibang bahagi ng mundo.
The post Dagdag pasilidad para sa US armies, pinag-iisipan appeared first on Remate.