PATAY ang isang foreman makaraang barilin ng kaalitan matapos ang mainitang pagtatalo sa Quezon City kaninang umaga Agosto 13, 2013.
Kinilala ang namatay na si Jojo Arma, 37, ng St. Vincent Street, Brgy. Holy Spirit, QC.
Sugatan naman ang isang Sheila Vincent, 30, vendor ng A-16 St.Vincent St., Brgy. Holy Spirit, QC na tinamaan ng ligaw na bala.
Agad tumakas ang suspek na kinilalang si Erwin Narvasa, 49, ng Brgy. 21 St. Vincent, Brgy. Holy Spirit, QC.
Ayon kay Police Aide Myrna Millan ng Quezon City Police District Station 6 Batasan, naganap ang insidente dakong alas-10:00 ng umaga.
Sinabi sa ulat, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang biktimang si Arma at suspek na si Narvasa kaya nauwi sa pamamaril ng huli.
Tinamaan naman ng ligaw na bala si Shiela na isinugod sa East Avenue Medical Center.
Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.
The post Foreman, patay sa boga sa Kyusi appeared first on Remate.