Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kamara uminit dahil sa pork barrel

$
0
0

NAGKAINITAN sa plenaryo ng Kamara nang palagan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza ang aniya’y pagmbu-bully ni House Majority Floorleader Neptali Gonzales II.

Ayon kay Atienza, mahalagang maigalang ng isa’t isa ang mga kongresista at hindi ang magpasaring sa media matapos niyang hilingin sa isang resolusyon na pansamantalang suspendihin ang pork barrel ng mga mambabatas habang iniimbestigahan pa ang P10 bilyon pork barrel scam.

Tumayo sa plenaryo si Cebu Rep. Raul del Mar upang ipagtanggol si Gonzales sa pagsasabing matagal na siyang kongresista ngunit kahit minsan ay hindi siya na-bully ng majority floorleader.

Sa point of order naman ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga binasa nito ang isa sa mga rules ng Kamara na kapag nai-refer na ang resolusyon o usapin sa komite ay hindi na ito dapat pang ungkatin sa plenaryo.

Nang sumagot si Gonzales ay agad nitong binanatan si Atienza sa pagsasabing kung makapagsalita ito ay parang mga konsehal lamang ang turing niya sa mga kongresista.

Agad naman itong pinutol ni House Deputy Speaker Sergio Apostol at sinabihan si Gonzales na magdahan-dahan sa pagsasalita.

Paliwanag ni Gonzales, hindi si Atienza ang pinatutungkulan niya sa pagsasabing “ kung ayaw ng pork barrel eh di huwag ninyong kunin” kungdi ito aniya ay para sa lahat.

Sa kalaunan ay humingi rin ng pasensya si Gonzales kung sakaling nasaktan man niya ang damdamin ni Atienza.

Nakisawsaw din sa sigawan si Navotas Rep. Tobu Tiangco nang pigilan nito si Gonzales na talakayin ang pork barrel dahil hindi naman ito ang inaangal ni Atienza kundi ang paraan ng mga pahayag ng majority leader.

The post Kamara uminit dahil sa pork barrel appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>