KUMBINSIDO si Health secretary Enrique Ona sa benepisyo na maaaring idulot sa kalusugan ng tao ng stem cell therapy.
Gayunman, bagamat may mga nakapagpatunay na aniya na may naidulot na maganada ang stem cell theraphy sa mga pasyente na dumaranas ng iba’t ibang karamdaman, hindi pa rin aniya ito tinatanggap ng alinmang bansa bilang standard care para sa anumang sakit.
Dito naman aniya sa Pilipinas ay mayroon nang ginagawang pag-aaral para matukoy ang proseso ng stem cell therapy na katanggap-tanggap.
Ito ay sa gitna ng mga napaulat na may gumagamit ng stem cell ng tupa, halaman at iba pang living organism para gamutin ang sakit ng isang pasyente.
Nabatid sa kalihim na wala pang ospital, clinic o doctor na pinapayagan o accredited ng DOH upang makapagsagawa ng stem cell therapy, ngunit hindi naman ipinagbabawal sa bansa.
Kaugnay nito, binigyang-taning ng kalihim ang mga doktor, klinika, o ospital na nagsasagawa ng stem cell therapy sa Pilipinas na mayroon na lamang silang hanggang Agosto 31, 2013 upang iparehistro ang kanilang stem cell clinics.
The post Stem cell clinic reg hanggang Agosto 31-DOH appeared first on Remate.