ISANG resolusyon ang inihain ng independent minority group na naglalayong batiin at parangalan ang Gilas Pilipinas National Basketball Team.
Batay sa House Resolution 184, karapat-dapat purihin at parangalan ang Gilas Pilipinas sa pagkakamit ng silver o second place sa katatapos na 27th FIBA Asia Championship.
Bagama’t nasa ikalawang pwesto lamang ay nagbukas naman ito sa Gilas upang makalahok sa FIBA World Cup na gaganapin sa Spain.
Ang team ng Iran ang nakakuha ng gold medal samantalang ang Korea naman ang naka-bronze.
Nakasaad din sa resolusyon na huling napanalunan ng Pilipinas ang FIBA Asia na noon ay Asian Basketball Confederation (ABC) may 27 taon na ang nakararaan sa Malaysia.
Kinilala ng may 12 kongresista na lumagda sa resolusyon ang galing nina head coach Chot Reyes at buong coaching staff, Gilas Pilipinas players na sina Jimmy Alapag, Jayson Castro, Ranidel de Ocampo, Larry Fonacier , Jeff Chan , Gabe Norwood, LA tenorio , Japeth Aguilar, Gary David, Marc Pingris, Marcus Douthit, at June Mar Fajardo.
Binanggit pa sa resolusyon ang unang ranking ng FIBA sa dalawang Olympic cycles, ang Pilipinas ay nasa pwestong pang-45, mas mababa sa mga bansang nasa Asya gaya ng no. 11 China, no. 20 Iran, no. 25 Lebanon, no. 30 Jordan, no. 33 South Korea, no. 35 Japan, no. 36 Qatar at no. 42 Chinese-Taipei.
The post Gilas Pilipinas pinapurihan sa Kamara appeared first on Remate.