Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Pagkatalo ng Gilas isinisi kay PNoy

$
0
0

INASAHAN na raw ni Pangulong Benigno Aquino III na siya ang sisisihin sa pagkatalo ng Gilas Pilipinas kontra Iran sa FIBA Asia championship kagabi, Agosto 11.

Sa mensahe ni Pangulong Aquino sa inagurasyon ng Brother Industries Philippines Incorporated sa First Philippine Industrial Park sa Tanauan City, Batangas, sinabi niya na hinikayat siya na dumalo sa basketball game para magsilbing “Chief Booster” o “Lucky Charmer” kaya’t kung hindi man pinalad ang Gilas Pilipinas ay hindi niya kasalanan.

“Like last night, when I was encouraged to attend the basketball game, either Chief Booster and Lucky Charmer; and since we didn’t win, perhaps now I am being blamed for our loss last night,” ayon sa Chief Executive.

Sa kabilang dako, patuloy ang pagbati ni Pangulong Aquino sa Gilas Pilipinas dahil kahit aniya kulang sa height ang mga player ng Gilas Pilipinas at nawalan pa ng sentro ay hindi pa rin sumuko sa laban.

Samantala, aabot naman sa mahigit 300,000 dagdag na trabaho ang ibibigay ng itinayong pabrika sa Tanauan, Batangas.

Sa katunayan ay naglaaan ng $114 million ang Brother Industries Philippines na isang Japanese company na gumagawa ng electronic products para sa kanilang bagong pasilidad sa Batangas.

The post Pagkatalo ng Gilas isinisi kay PNoy appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan