SINUSPINDE na ang lahat ng pasok sa eskwela bukas, Agosto 12, sa Maynila at Marikina dala na rin ng lumalakas na hambalos ng bagyong Labuyo.
Gayundin sa Mandaluyong City ayon naman sa anunsiyo ni Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr.
Sa Makati City, tanging mga nasa elementarya at high school lamang sa public at private ang walang pasok.
Sa San Juan City, walang pasok sa lahat ng level, gayundin sa Pateros at Caloocan.
Sa Las Piñas City, elementarya at high school lamang ang walang pasok, habang sa lahat naman ng antas sa Navotas City ang sinuspinde ang klase.
Kaninang 5 p.m. nang makaranas ng Storm Signal No. ang ilang siyudad sa Metro Manila dahilan para magdeklara na ng suspensiyon ng klase ang mga mayor.
The post Klase bukas, Lunes, Agosto 12 sinuspinde na appeared first on Remate.