Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

7 medalya, hinablot ng Phl Wushu

$
0
0

PITONG medalya na ang nasikwat ng Philippine Wushu Team kaya naman nasa pang-lima na sila sa medal tally sa 7th Asian Junior Wushu Championship na ginanap sa Makati Coliseum.

May tatlong gold, tatlong silver at isang bronze ang nasukbit ng Phl Wushu sa event na binasbasan ng PSC at POC.

Sinungkit ni 2012 World Junior Wushu Championship gold at silver, Alieson Ken Omengan, ang kanyang ikalawang ginto matapos ma-impress sa kanya ang mga hurado at bigyan siya ng 9.33 points upang mag-top sa Group A men’s Nanquan kahapon.

Sa Group Competition kinopo ni Omengan ang unang ginto sa opening day.

Napitas naman ni 10-year old Faith Liana Andaya ang pangatlong medalya matapos makuha ang silver medal kanina sa Group C Women’s Elementary Jianshu.

May isang gold at dalawang silver na ang sinusuot ni 2012 World Junior silver medalist Andaya.

Kasama si Andaya sa Group Competition at ang unang silver medal niya ay sa day 2 sa Group C women’s Elementary Changquan matapos umiskor ng 9.06.

May medalya na rin sa individual event si Christian Nicholas Lapitan nang mag-bronzem ito sa Group C men’s Elementary Changquan sa iskor na 8.98.

Ang ibang nakakuha ng medalya ay sina Agatha Chrystenzen Wong na nag-gold sa Group B women’s 32 Forms Taijijian at Dave Degala na nag-silver naman sa Group A men’s 2nd set Changquan.

Samantala, nangunguna ang China sa medal tally, segunda ang Hong Kong at pangatlo ang Macau.

May walong gold at isang silver ang China, limang gold, limang silver at tatlong bronze naman ang nakuha na ng Hong Kong habang may limang ginto, tatlong pilak at limang tanso namn ang sukbit ng Macau.

The post 7 medalya, hinablot ng Phl Wushu appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>