PASOK na sa semi-finals ng FIBA Asia Basketball Championship ang Gilas Pilipinas, matapos tambakan ng 30 puntos ang Kazakhstan sa kanilang laban sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Sa third quarter pa lang ng laban ay tinambakan na ng Gilas Pilipinas ang Kazakhstan sa iskor na 67-49.
Hirap ang starters ng Kazakhstan na sina Sultanov, Johnson, Ponomarev, Yargaliyev at Bondarovich dahil na rin sa tikas nina Tenorio, Chan, Norwood, Douthit at Pingris.
Dahil sa panalo ng Pilipinas, nakatakdang harapin ng grupo bukas ang sino man sa mananalo sa laban ng Qatar at Korea.
The post Kazakhstan minasaker ng Pilipinas, 88-58 appeared first on Remate.