UMABOT sa walong katao ang namatay sa pamamaril ng armadong grupo sa isang mosque sa Quetta, southwest Pakistan.
Nabatid na katatapos lamang ng morning prayer ng mga sumasamba sa Sunni Muslim mosque para sa Eid al-Fitr o piyesta ng Ramadan nang atakehin ng armadong grupo.
Nakaligtas naman sa insidente si Ali Madad Jatak, dating provincial minister ng Pakistan People’s Party makaraang targetin din ng ratrat ang kanyang sasakyan.
Sa ngayon ay wala pang grupo ang umaako ng responsibilidad sa nasabing pag-atake.
The post 8 patay sa pagtatapos ng Ramadan sa Pakistan appeared first on Remate.