WALANG hirap na dinispatsa kanina ng powerhouse team Iran ang Jordan, 94-50 sa quarterfinals ng 27th FIBA Asia men’s basketball tournament na ginaganap sa Mall of Asia Arena.
Sa first quarter pa lang tinambakan na ng Iranians ang Jordan, 31-11 at lumobo pa ito sa halftime, 53-28 upang siguruhin ang pagsampa sa semifinals.
Hinihintay na lang ng title favorite Iran ang makakalaban sa semis sa pagitan ng defending champion China at Chinese Taipei na kasalukuyang nagbabanggaan.
Lalo pang pinaigting ng Iran ang kanilang lamang sa third period matapos isalpak ang 21 pts. habang walong puntos lang ang napasok ng Jordan.
Hindi na pinaporma ng Iran ang Jordan sa payoff period para selyuhan ang panalo at palakasin ang kampanya sa event na magiging susi sa paglahok sa magaganap na 2014 World Championship Spain.
Ang top three sa Manila tournament ang puwedeng makalaro sa WC.
The post Iran tumuloy sa semis appeared first on Remate.