Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

China nilaglag ng Taiwanese

$
0
0

SINILAT ng Chinese Taipei ang China, 96-78 kanina sa Mall of Asia Arena upang harapin ang powerhouse Iran sa semifinals ng 27th FIBA Asia Championship.

Hawak ng defending champion China ang abante sa halftime, 50-40 subalit ginulat sila ng Taiwanese sa third canto upang maagaw ng huli ang lamang, 62-71 papasok ng final period.

Bukas maghaharap ang Chinese Taipei at title favorite Iran sa semis knockout stage.

Walang hirap na dinispatsa kanina ng Iran ang Jordan, 94-50 sa isang quarterfinals match.

Sa first quarter pa lang tinambakan na ng Iranians ang Jordan, 31-11 at lumobo pa ito sa halftime, 53-28 upang siguruhin ang pagsampa sa semifinals.

Ang top three sa Manila tournament ang puwedeng makalaro sa 2014 World Championship Spain.

The post China nilaglag ng Taiwanese appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan