NIYANIG ng 3.9 magnitude na lindol ang Surigao del Sur kaninang umaga, Agosto 9.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naramdaman ang lindol sa Silangan ng Tandag, Surigao del Sur alas-10:30 ng umaga.
Sinabi pa ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ay 033 kilometro.
Samantala, naramdaman naman ang 3.1 magnitude na lindol sa Silangan ng Governor Generoso, Davao Oriental alas-2:43 ng hapon kanina.
Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 135 kilometro.
Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang mga lindol.
The post Surigao del Sur, Davao Oriental nilindol appeared first on Remate.