PALAISIPAN sa awtoridad ang motibo sa pagpapatiwakal ng 14-anyos na high school student matapos magbigti sa Quezon City kagabi, Agosto 8, 2013.
Kinilala ang biktima na si John Carlo Guasa, ng Brgy. Apolonio Samson, QC.
Si Guasa ay idineklarang dead on-arrival sa Quezon City General Hospital.
Natagpuan ang bangkay ng biktima sa isang barong-barong malapit sa bahay ng biktima sa Tabing Ilog St., Kaingin Bukid, Brgy. Apolonio Samson, QC alas-11:30 kagabi.
Sinabi sa ulat na natagpuan ang bangkay ng biktima ng nakababata niyang kapatid na si Mark Guaza habang nakabitin sa haligi ng barong-barong gamit ang nylon cord.
Inaalam na ang motibo ng biktima sa pagpapatiwakal.
The post 14-anyos high school student nagbigti appeared first on Remate.