BILANG na ang araw ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BoC) na masasagasaan ng reporma sa ahensiya na ikakasa ni BoC Commissioner Ruffy Biazon.
Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na ramdam niya na excited nang malaman ng mga tatamaan ang gagawing reporma sa BoC kaya nga aniya ay hindi niya isinasapubliko ito.
“Siguro ‘yung mga tatamaan ang nag-aabang ng pinaka-excited. ..mga within a very short, in less than a month tapos na iyong proseso,” diing pahayag nito.
Wala namang balak si Pangulong Aquino na isapubliko lahat ng detalye ng gagawing reporma sa BoC.
“I’ve been onboard from the start at saka hindi ko, siyempre, sasabihin lahat ng detalyeng ito, miminsanin na lang natin,” ang pahayag ng Punong Ehekutibo.
The post Mga opisyal ng BoC, bilang na ang araw appeared first on Remate.