Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Mayor Lim iimbestigahan sa nawawalang multi-million halaga na mural

$
0
0

PINAIIMBESTIGAHAN ni Manila 5th District Councilor Ali Atienza sa Manila City Council kung sino ang responsable sa “pagkawala” sa multi milyong halaga ng mural na ipininta mismo ni National Artist Carlos Botong Francisco na nasa loob ng Bulwagang Antonio Villegas ng city hall.

Hiniling ni konsehal Atienza na maimbestigahan ang naturang isyu matapos mabigo ang mga opisyal ng nakaraang administrasyon na maipaliwanag kung nasaan ang mural na ipinagawa ng city hall noong 1963, o 50 taon na ang nakakalipas.

“Sinasabi nila na under reconstruct o pinagawa daw nila, pero wala po silang maipakitang papeles o dokumento kung kanino pinaayos at kung nasaan.” ayon kay Atienza sa ginanap na breakfast forum sa Mabuhay Restop na inorganisa ng Manila City Hall Press Club at Philippine American Press Club.

Ayon sa konsehal, may posibilidad na maipatawag sa konseho sina dating Manila Mayor Alfredo Lim at dating Manila Heritage Commission Vice Chairman Gemma Cruz-Araneta na siya umanong nanguna sa reconstruction ng mural at Tourism Secretary ni Mayor Estrada nang maging Pangulo ito noong 1998.

“Aalamin natin kung sino ang dapat managot sa mural, administratively at criminally liable ang mga taong ito dahil maituturing na isang priceless ang mural at isa itong heritage ng Lungsod, hindi natin maaring hayaan lamang ito mawala.” pahayag ng batang Atienza na naging topnocher sa pagka-konsehal sa nakalipas na halalan sa ika-5 distrito.

Sa conservatory estimate ni Councilor Atienza, aabot sa mahigit P400 million ang halaga ng mural sa kasalukuyang presyo nito sa merkado.

The post Mayor Lim iimbestigahan sa nawawalang multi-million halaga na mural appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>