IPINATAWAG ni Senator Grace Poe, chairman ng Senate Committee on Public Order at Dangerous Drugs, sina Interior and Local Government Secretary Mar Roxas II and PNP Chief Director General Alan Purisima upang magpaliwanag hinggil sa sunod-sunod na pambobomba sa Mindanao.
Ayon kay Poe, itinakda ang pagdinig ng Senado sa malagim na pagsabog na naganap sa Cagayan de Oro at Cotabato City bukas, Miyerkoles.
Nilinaw ni Poe na ang gagawing imbestigasyon ng Senado ay in aid of legislation at hindi layuning saklawan ang trabaho ng pulisya.
Sinabi ni Poe na tulad ng marami sa taga-CDO man o hindi, gusto nilang magkaroon ng hustisya ang nangyari sa mga kababayan natin sa Cagayan de Oro.
Matatandaan na walo katao ang namatay sa pagsabog sa Kyla’s Restaurant sa Limketkai Mall at mahigit 40 iba pa ang nasugatan noong nakaraang ika-26 ng Hulyo.
Idinagdag ni Poe na hangad ng imbestigasyon na bubuksan ng kanyang komite sa Miyerkules na pagaralan kung kailangan magkaroon ng batas na higit na magpapalakas at magpapabilis sa trabaho ng kapulisan.
Samantala noong Sabado nagpalabas ng P2-milyong pabuya ang lokal na pamahalaan ng CDO sa sino man makapagtuturo sa mga suspek na may kinalaman sa nangyaring pagsabog.
The post Roxas, Purisima, kakaliskisan sa CDO, Cotabato bombings appeared first on Remate.