TATLONG suspek sa bombing incident sa Cotabato City ang kasalukuyang hawak na ng awtoridad na ikinamatay ng walong katao.
Ayon kay City Mayor Japal Guiani Jr., sumasailalim na sa interogasyon ng Criminal Investigation and Detection Group ang mga nahuli.
Tumanggi namang tukuyin ng awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga suspek ngunit kinumpirma naman ng opisyal na nakita ang mga ito sa kuha ng closed-circuit TV (CCTV) video.
Umaasa naman si Guiani na matutukoy na ng mga awtoridad kung sino ang utak sa krimen.
“This will unmask the mastermind and other personalities behind the breakdown of law and order in the city,” ayon sa opisyal.
The post 3 suspek sa bombing incident tiklo appeared first on Remate.