Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

3 Hapon, Pinoy na illegal labor recuiter, tiklo

$
0
0

APAT na illegal labor recruiter na kinabibilangan ng tatlong Japanese at isang Filipino ang inaresto sa ginawang entrapment operation  ng National Bureau  of Investigation  sa Bulacan.

Kinilala  ang apat na suspek na sina Marcial Ronquillo Bernardo,  ng  126 Bgy. San Pablo, Hagonoy, Bulacan;  Masakazi Hiratsuka, nagkakaedad ng  50; Nobuharu Kobatake, 67; at Teroo Tsuda, 48, pawang kaibigan ni Bernardo at mga taga-Tokyo, Japan.

Ang apat na suspek, nang-e-engganyo ng Pinay entertainers and models  na pinadadala  sa Japan at Malaysia,  ay inireklamo sa NBI nina  Lovely Sanchez,  ng Sto. Nino, Marikina City; Diane Berna, ng   Vista Verde, Caloocan City at 9 na iba pang kababaihan mula sa  Hagonoy at Malolos, Bulacan; Valenzuela City at Pampanga.

Sa imbestigasyon ng NBI,  kumpirmadong walang lisensiya mula sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang mga suspek  upang mag-recruit ng mga manggagawa.

Nasamsam naman ng NBI  ang mga larawan ng mga  aplikante,  employment contract, mga pasaporte at ang schedule of payments kay Bernardo.

Sinampahan na nang paglabag sa Section 6  ng  R.A. 8042 o mas kilala bilang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995, ang mga respondent sa Department of Justice.

The post 3 Hapon, Pinoy na illegal labor recuiter, tiklo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>