WALANG plano ang Malakanyang na kontrolin ang judicial fund.
Ang katwiran ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda, matagal nang umiiral sa Presidential Decree (PD) 1949 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ang 80-20 ratio sa JDF kung saan 80 percent ng budget ang para sa cost of living allowances habang 20 percent lamang sa pagbili ng office/court facilities.
Nauna nang sinabi ni Senate Appropriations Committee chairman Chiz Escudero na pag-aaralan nila kung may legal basis ang special provisions ng 2014 budget kung saan layunin nitong tanggalin sa Korte Suprema ang pangangasiwa sa P7 billion Judiciary Development Fund (JDF).
Binigyang diin ni Sec. Lacierda na kasinungalingan ang alegasyong gustong angkinin ng Ehekutibo ang pondo ng judiciary.
Tinuran nito na hindi nila kailanman pinakikialaman ang “power of the purse” ng Kongreso at kanila lamang ipinatutupad ang matagal nang batas.
Wala naman aniyang dapat ipangamba ang publiko sa pondong maaaring gamitin ng mga mahistrado dahil nakasaad pa rin sa PD 1949 na nandyan naman ang CoA sa pamamagitan ng Auditor ng SC para i-audit ang lahat ng pinagkakagastusan ng pondo.
The post Judicial fund, hindi kinontrol ng M’cañang appeared first on Remate.