MAAARING maging ganap na bagyo sa loob ng 24-oras ang namataang low pressure area (LPA) sa Palawan.
Ayon kay Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration weather forecaster Samuel Duran, sakaling maging bagyo, posible aniyang hindi na ito direktang makaapekto sa bansa.
Tinatahak ng bagyo ang direksyong West Philippine Sea mula sa sentro nito ngayong nasa 140 kilometro timog kanluran ng Palawan.
“Maaaring wala tayong itaas na public storm warning signal sakali, ngunit yung enhancement ng southwest monsoon ang ating aasahan,” ayon kay Duran.
Kung sakaling maging bagyo ang LPA, tatawagin itong ‘Kiko’ at palalakasin ang Habagat na magpapaulan sa kanlurang bahagi ng bansa.
The post LPA posibleng maging bagyo sa loob ng 24-oras appeared first on Remate.