IPINASYA ng Commission on Elections (Comelec) na palawigin ang gun ban exemption para sa Barangay at SK Elections na inisyu noong nakalipas na midterm elections.
Ang pagpapalawig sa gun ban exemption ay nakasaad sa Comelec Resolution 9735 na nagtatakda rin ng mga panuntunan kaugnay ng pagkuha ng mga security detail ng mga kandidato sa Barangay at SK Elections na idaraos sa Oktubre 28.
Ayon kay Comelec Commissioner Lucenito Tagle, nangangahulugan ito na hindi na kailangan pang magpa-renew ang mga nabigyan na ng gun ban exemption para sa May 2013 polls.
Ang aprubadong aplikasyon naman para sa pagkuha ng security personnel noong midterm elections ay kinakailangang sumailalim sa renewal.
“…Gun ban exemptions issued in connection with the May 13, 2013 national and local elections shall be recognized as valid for purposes of the October 28, 2013 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections. However, approved applications for employment/availment/engagement of security personnel/agencies during the May 13, 2013 national and local elections shall be subject to renewal for purposes of the October 28, 2013 Synchronized Barangay and Sangguniang Kabataan (SK) Elections,” bahagi ng resolusyon.
Gayunman, wala pang itinatakdang petsa ang Comelec para sa mga magpapa-renew at bago pa lamang kukuha ng nasabing aplikasyon.
Sa ilalim ng Calendar of Activities ng Comelec, ang pagbabawal sa pagdadala ng baril o gun ban ay magsisimula sa Setyembre 28 na siya ring opisyal na simula ng panahon ng eleksyon o election period.
Ang paglabag sa gun ban at ang pagkuha ng security personnel nang walang pag-apruba mula sa Comelec ay isang criminal offense na may katapat na parusa na isa hanggang anim na taong pagkabilanggo, permanent disqualification sa pag-upo sa gobyerno at aalisan din ng karapatang makaboto.
The post Gun ban ipaiiral sa Barangay at SK Elections appeared first on Remate.