INAASAHANG magbababa ng presyo ng gasolina at kerosene ang kumpanyang Shell, Petron at Seaoil bukas, Martes, Agosto 6.
Epektibo alas-12:01 ng madaling-araw, magsasagawa ng rollback ang Shell at Seaoil ng P0.35 sa kada litro ng gasolina habang magtataas naman ng P0.25 ang kerosene.
Bandang alas- 6:00 ng umaga naman gagalaw sa parehong presyo ang Petron habang walang magiging paggalaw sa presyo ng diesel.
Ang panibagong rollback ay bunsod ng bentahan ng produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado at palitan ng piso kontra dolyar.
The post Rollback sa gasolina, kerosene gagawin bukas appeared first on Remate.