PATULOY na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, lalawigan ng Rizal at Bulacan ang namataang sama ng panahon o low pressure area (LPA) na patuloy na sinusubaybayan ng PAGASA kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), namataan ang LPA sa bisinidad ng Surigao City alas-4:00 ng madaling-araw.
Sinabi ni Nelson Llanella weather observer ng PAGASA, maaaring magdala ng pag-ulan sa Metro Manila, Rizal at Bulacan ang naturang sama ng panahon.
Nabatid pa kay Llanella na dala ito ng thunderstorm o mga ulap sa kalawakan na nagdudulot ng pag-ulan.
Idinagdag pa ni Llanella na kapag naging ganap na bagyo ang naturang LPA ay tatawagin itong bagyong Kiko.
Sinabi pa ng PAGASA na dahil sa LPA, ang ilang bahagi ng Visayas region, Zamboanga Peninsula, Hilagang Mindanao, Caraga at Davao ay makararanas ng malakas na pag-ulan pagkulog at pagkidlat na maaaring magdala ng flashfloods at landslides.
The post Sama ng panahon patuloy na magdadala ng pag-ulan sa Metro Manila, Rizal at Bulacan appeared first on Remate.