MAHIGIT P46 milyong jackpot prize ng 6/45 Mega Lotto ang napanalunan ng 60-anyos na housewife na binola noong Hulyo 31 sa tanggapan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Pasay City.
Solong napanalunan ng isang ginang mula sa Southern Leyte ang kabuuang halagang P46,125,144.00 na katumbas ng nakuha niyang kombinasyong 04-11-39-13-33-43 na tinayaan lamang ng P20 sa pamamagitan ng lucky pick.
Ayon kay PCSO General Manager Atty. Jose Ferdinand Rojas 11, plano ng ginang na may anim na anak na bumili ng sarili nilang bahay at lupa, magkaloob ng donasyon sa simbahan at bahaginan ang kanyang mga anak sa napanalunang salapi.
The post P46-M lotto jackpot nasapol ng 60-anyos ginang appeared first on Remate.