WALANG pork barrel fund si Pangulong Benigno Aquino III.
Ito ang tugon ni Deputy Presidential spokesperson Abigail Valte, panawagan ng isang grupo ng mangingisda na i-audit ng Commission on Audit (CoA) ang pork barrel ng Chief Executive.
Subalit, sinabi ni Usec. Valte na may President’s Social Fund (PSF) ang Punong Ehekutibo na awtomatikong ina-audit ng CoA.
“And in fact, nakikita niyo ‘yung mga pinagkagastusan ‘nung PSF doon sa nakaraang taon at na-access din ‘yan dahil doon sa COA report that is already available online,” ani Usec. Valte.
Ang PSF ng Chief Executive ay ginagamit sa special financial assistance ng AFP at PNP combat casualties, financial assistance para sa mga naging biktima ng kalamidad at delubyo at ginagamit na pandagdag sa pondo ng DSWD at Quick Response Team ng mga departamento.
Kaya ang panawagan ng Malakanyang sa publiko, kung interesado ang mga ito na makita ang COA report ay mangyaring hanapin na lamang ang CoA website.
The post Pork barrel, wala; PSF meron si PNoy – Usec. Valte appeared first on Remate.