NAGDULOT ng mga pagbaha sa ilang bahagi ng Kamaynilaan bunsod ng biglang malakas na buhos ng ulan.
Sa bahagi ng kahabaan ng España, ay halos hanggang tuhod na ang taas ng baha.
Maging sa kahabaan ng Abad Santos sa Maynila ay gutter deep na ang baha at halos hindi na gumagalaw ang daloy ng trapiko.
Nagkansela naman ang klase sa Far Eastern University (FEU) Morayta.
Ilang klase rin sa Santo Tomas University ang sinuspinde dahil malalim na ang baha sa paligid ng unibersidad.
Kabilang dito ang College of Nursing, Accountancy, AB, Commerce, Engineering, CFAD, Pharmacy at Architecture.
Nagmistulang swimming pool naman ang bahagi ng Ramon Magsaysay Blvd., kung saan isang lane na lamang ang nadaraanan ng mga sasakyan mula Pureza papuntang Nagtahan.
The post Ilang lugar sa Maynila, binaha; klase, sinuspinde appeared first on Remate.