Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

MMDA magbubukas ng bagong impounding area

$
0
0

PLANO  nang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA)  ang pagbubukas  ng panibagong impounding area matapos mapuno ng mga sasakyan ang kanilang impounding area sa Pasig  City makaraang magsagawa sila ng operasyon laban sa mga colorum na pampublikong sasakyan na umabot sa mahigit 34 sasakyan sa kahabaan ng EDSA.

Napag-alaman kay MMDA Chairman Francis Tolentino, balak nilang magbukas ng panibagong impounding area sa Marikina at Tagaytay City makaraang mapuno ng mga kolorum na sasakyan ang dati nilang impounding area matapos nilang ipatupad ang Operation Goliath o magkakasunod na crackdown ng kanilang ahensiya katuwang ang mga tauhan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Aniya, kamakalawa  mahigit sa 34 mga colorum na vehicle  na kinabibilangan ng provincial buses, taxi at utility vehicle ang kanilang nahuli sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay Tolentino, mabilis  na napuno ang impounding area sa Pasig City dahil malaki ang kinaing espasyo ng malalaking bus lalo’t  patuloy ang kanilang panghuhuli sa mga colorum na sasakyan na bumibiyahe sa kahabaan ng EDSA at sa iba pang mga lansangan.

Sinabi pa ni Tolentino  nais nilang taasan ang multa ng tubos ng mga mahuhuling kolorum na sasakyan na dating naunang ipinalabas nila ay nasa P6,000 multa lamang sa mga mahuhuling kolorum.

Dahil sa mababang multa  agad  natutubos ng operators ang kanilang mga sasakyang kolorum at muling nakababalik sa lansangan.

Sinabi pa ni Tolentino  may mga rekord na silang hawak sa mga kolorum na bus at taxi na hindi na puwedeng bumiyahe sa lansangan.

The post MMDA magbubukas ng bagong impounding area appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan