HANDA na ang Philippine Navy sa pagdating ng BRP Ramon Alcaraz sa Subic Bay sa Zambales sa Martes.
Ang BRP Alcaraz ay bagong barkong pandigma na mula pa sa California na dalawang buwan naglayag patungong Pilipinas.
Inasahan naman itong darating sa karagatan sakop ng Bulinao, Pangasinan, Sabado ng hapon.
Sa Martes, magkakaroon naman ng arrival ceremony na dadaluhan ni Pangulong Benigno Aquino III.
Naroon din si Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Jose Luis Alano.
Ayon kay Philippine Navy spokesperson Lt. Cdr. Gregory Fabic, isasailalim sa dalawang linggong dry dock sa Subic Bay ang barko.
Ang orihinal na kulay nito ay papalitan naman ng kulay gray na siyang kulay ng PN.
The post Phil.Navy, handa na sa pagdating ng BRP Ramon Alcaraz appeared first on Remate.