GISING na gising na si Manny Pacquiao matapos patulugin ni Juan Manuel Marquez sa six round noong nakaraang taon.
Kahit maraming batikos matapos ang kanyang pagkatalo ay naging buo pa rin ang loob nito upang lampasan ang mga pagsubok kaya nagpasya itong hindi pa siya magreretiro sa pagbo-boksing.
Ayon sa Pambansang Kamao maaari pa siyang makipagbasagan ng mukha mula dalawa hanggang tatlong taon subalit ang kailangan munang gawin ngayon ni eight division world champion Pacquiao, ang makabangon mula sa dalawang sunod na kabiguan.
Yumuko si Pacquiao kay Timothy Bradley sa isang controversial split decision noong June 9, 2012 upang agawin ng huli ang WBO welterweight title bago muling nalugmok kay Marquez sa nasabing taon.
Makikipagsapakan si Pacquiao kay American Brandon Rios sa Venetian sa Macau sa Nov. 24, sa kanilang welterweight bout.
Makaraan ay nasa Beijing, China sina Pacquiao at Rios upang i-promote ang kanilang laban, ngayon ay sa Singapore naman sila.
Pagkatapos ng kanilang Asian press tour, tutungo naman sila sa US para ipagpatuloy ang kanilang pagpo-promote.
The post Pacquiao, naka-recover na sa kamao ni Marquez appeared first on Remate.