NASAGIP ng awtoridad ang may 89 na club entertainers na karamihan ay menor de edad habang nakuwelyuhan naman ang 23 katao nang salakayin ng ahente ng gobyerno ang isang entertainment establishment sa Parañaque City.
Sa kasamaang palad, hindi nahuli ang dalawang may-ari ng Asian Entertainment Network na nasa 701 Rovas Blvd., sa Baclaran at ngayon ay tinutugis na para panagutin sa krimen.
Ayon sa ulat, ang mga female entertainers ay isinusubo sa prostitusyon, ang ibang babae naman ay pinagsasayaw ng nakahubot-hubad.
Kabilang sa naglatag ng sting operation ay ang composite team ng ahente ng NBI, Inter-Agency Council Against Trafficking, at ang labor and social welfare departments sa nasabing club.
Ibinigay naman ang mga nasagip na mga kababaihan, anim ang menor de edad, sa Department of Social Welfare and Development para sa kaukulang disposisyon.
Kakasuhan ng human trafficking at child abuse ang mga 23 maintainers at operators ng nasabing club, sa Department of Justice.
Kabilang sa mga natiklo ay si Isagani Bordamonte, OIC ng Asian Entertainment Network.
Nananatili namang nakakalaya ang may-ari na sina Delfin Lim at isang nagngangalang Kenji.
The post 89 club entertainers, nasagip; 23 tiklo sa Parañaque raid appeared first on Remate.