ARESTADO ang apat na kalalakihan nang maaktuhang iligal na nagmimina sa bulubunduking bahagi ng Albay.
Nakilala ang mga suspek na sina Ariel De Padua, Gilbert Domolot, Rocky Soria at Jerome Jonas, na pawang mga residente ng Iba, Zambales na huli sa aktong kumukuha ng copper sa mining site ng Brgy. Nagas, Oas.
Nakuha naman sa mga ito ang isang backhoe, isang hydraulic jack hammer at isang mallet.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya na ni Atty. Benjamin Matias, ng Ligao City, ang mga suspek habang ang mga ebidensiya ay nasa pangangalaga ng kapitan ng nasabing barangay.
Kasong paglabag sa RA 7962 ang kahaharapin ng apat na suspek at ng kanilang operator na kinilalang si Francia Nuyda mula sa Bohol.
The post 4 lalaki, arestado sa iligal mining appeared first on Remate.