PUWEDENG maging Santo at Santa ang mga kabilang sa “third sex” .
Puwedeng maging santa at santo anoman ang sexual orientation na isang tao, ayon kay CBCP-Episcopal Commission on Family and Life Executive Secretary Fr. Melvin Castro.
Ayon kay Fr.Castro, posibleng mayroon ang Simbahan na isang Santo o Santa na may same-sex attraction subalit walang nagawang sexual intimacies sa kapwa.
Ipinaliwanag ni Fr. Castro na ang bawat tao na nilikha ng Diyos ay tinatawagan na maging banal anoman ang kanyang kasarian.
Inihayag ng pari na maaaring maging Santo at Santa ang isang bading at tomboy kung ito ay mayroong “chaste life”, walang ginagawang sexual intimacies, gumagawa nang mabuti sa kapwa, sumusunod sa kalooban ng Panginoon at handang ialay ang sarili para sa kabutihan ng iba at Panginoon.
Samantala, nanindigan si Fr. Castro na walang puwang sa Simbahang Katolika ang “same sex union”.
Kailanman hindi aniya, bubuwagin ng Simbahan ang katuruan ng Diyos sa kasagraduhan ng kasal sa pagitan lamang ng babae at lalaki at hindi sa magkaparehong kasarian o sa pagitan ng lalaki sa lalaki at babae sa babae.
Binigyang-diin ni Fr.Castro na malinaw ang sinasabi ni Pope Francis na wala siyang karapatan husgahan ang isang bakla at tomboy lalo pa kung ito ay nagbago na at gustong magbalik-loob sa Diyos.
Nilinaw ng pari hindi maaaring tanggapin ng Simbahan ang kagustuhan ng mga kabilang sa third sex na same-sex union o same-sex marriage dahil malinaw na paglabag ito sa kasagraduhan ng kasal na itinuturo ng banal na kasulatan.
The post Bading at tomboy, puwedeng maging santo at santa – pari appeared first on Remate.