INARESTO ng mga operatiba ng Women and Childrens Protection Desk at Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police ang isang taxi driver at kasama nito na kumidnap at gumahasa sa isang 15 anyos na high school na sumakay sa minamanehong taxi ng suspek.
Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek na sina Edgar Leyros,41 anyos, drayber at naninirahan sa 201 Interior P.Santos st. , Malibay, at si Donato Bunguyan, 36 anyos, may-asawa at nakatira sa no.3494 Matulungin St., Bayanihan Bgy 181, Maricaban lungsod ng Pasay.
Ayon sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente noong Hulyo 20 kung saan nag-aabang ang biktima na di pinangalanan, ng masasakyan sa Edsa dakong 12 ng tanghali ng huminto ang mga suspek at sinikmuraan ang babae sabay inihiga ito sa loob ng compartment ng taxi.
Sa salaysay ng biktima, makaraan ang ilang oras ay inilipat siya ng mga suspek sa backseat ng taxi at doon ay halinhinang pinagsamantalahan ang sariwang katawan nito. Matapos ang ilang oras na panggagahasa sa biktima ay dinala ito sa may C.Raymundo, Pasig City at iniwan ang biktima sa kalsada at kagyat na tumakas ang mga suspek.
Sa puntong ito tumawag ang biktima sa kanyang ama at isinumbong ang nangyari sa kanya at ang kanyang kinaroroonan.
Dalawang araw ang lumipas habang patungo ang biktima at ama sa Phil. General Hospital para sa kanyang medico-legal examination ay nakita ng biktima ang mga suspek sa may Libertad St. sa Pasay City sakay ng El Pueblo Taxi na may plakang TYF-399 na siyang ginamit ng mga ito ng siya’y kidnapin.
Agad na tumawag ang ama ng biktima ng mga Pulis sa Pasay kayat agad na nasakote ang dalawang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad.
The post Taxi drayber na rapist ng pasahero, nasakote appeared first on Remate.