BABANTAYAN ng Metro Manila police ang limang lugar na tinaguriang crime hotspots sa metropolis sa pamamagitan ng pagdaragdag ng police teams at paghingi na rin ng kooperasyon sa publiko.
Kasabay din na iniutos ni Chief Superintendent, Marcelo Garbo Jr., Metro Manila police chief, sa kanyang mga district commanders na maabot ang 50 porsyentong pagbagsak ng krimen sa mga lugar, na tulad sa Monumento sa Caloocan City, Baclaran sa Pasay City,University Belt sa Manila, Kalentong area sa Mandaluyong City, sa kanto ng EDSA at E. Rodriguez Avenue sa Cubao, Quezon City.
Inatasan din ni Garbo ang apat na district directors na kunin ang suporta ng publiko para may taga hatid ng sumbong sa kanilang pamunuan.
Hinihikayat ni Garbo na i-report ang mga kahina-hinalang mga indibidwal sa pinakamalapit an presinto.
The post 5 hotspots sa Metro Manila, bantay-sarado sa NCRPO appeared first on Remate.