DALAWANG salvage victims ang natagpuang natagpuang palutang-lutang sa floodway sa Iloilo City nitong Miyerkules ng gabi.
Ayon kay PO1 Raul Romero ng Jaro Police Station, ang mga bangkay ay nakita ng isang alyas Jomar dakong alas-10:30 kagabi sa isang floodway sa Barangay Buhang, Jaro, Iloilo.
Bago rito, nakarinig ng putok ang mga residente sa paligid at makaraan ang ilang minuto ay nakita na ang dalawang bangkay.
Ayon sa pulis, ang mga biktima ay pawang may mga tattoo katulad ng tattoo ng mga bilanggo.
The post 2 salvage victims ipinaanod sa Iloilo floodway appeared first on Remate.