Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Kaso ng QCPD vs mga progresibong lider, binatikos

$
0
0

BINATIKOS ng mga militanteng drayber sa pangunguna ng PISTON ang Quezon City Police District (QCPD) dahil sa isinampa nitong kaso sa mga lider ng iba’t ibang militanteng grupo gayundin sa mga dating partylist representives na si dating Reps. Satur Ocampo at Teddy Casiño ng Bayan Muna at Liza Maza ng Gabriela Womens Partylist kaugnay sa naganap na karahasan sa ika-4 na State of the Nation Adress (SONA) ni Pangulong Aquino .

Sa lumabas na balita sa Philippines Star ngayong araw, kabilang si George San Mateo, National President ng PISTON at First Nominee ng PISTON Partylist sa kinasuhan ng QCPD sa Prosecutors Office.

Ang iba pang kinasuhan ng QCPD ay sina Renato Reyes ng Bagong Alyansang Makabayan (Bayan), Ferdinand Gaite ng Courage, Antonio Tinio ng ACT, Jerome Adonis ng Kilusang Mayo Uno, Carlito Badion ng Kadamay, Deunida Regalario ng Kadamay, Willy Marbella ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas, at lawyer Edre Olalia ng the National Union of People’s Lawyers.

“Sa utos ng PNP-NCRPO-QCPD, sa direksyon ng Malacanang ay sapilitang binuwag at dinahas  ang mapayapang martsa-protesta ng mamamayan noong SONA  na ang tanging layunin ay magmartsa malapit sa Batasan upang mapayapang maihayag ang SONA NG BAYAN  kontra sa buladas at mapanlinlang na SONA ni Aquino,” pahayag ni PISTON National President George San Mateo.

“Kaya klaro ang Malacanang ang mastermind sa pagkakaso ng QCPD sa amin bilang mga lider ng iba’t ibang progresibong organisasyon at partylists. Walang pinag-iba ang gobyernong Aquino sa nakaraang diktadurang Marcos at rehimeng Arroyo na ginigipit at nilalabag ang mga demokratikong karapatan ng mamamayan na sama-sama at mapayapang magpahayag ng kanilang karaingan laban sa walang tigil na pagtaas sa presyo ng langis, kuryente, tubig, demolisyon, pribatisasyon ng mga pampublikong ospital at iba pa,” pahayag ni PISTON National President George San Mateo.

“Napapraning ang gobyernong Aquino kapag nagsasagawa ng sama-samang pagkilos ang mamamayan. Dahil alam ni Aquino na nalalantad na ang kanyang boladas na tuwid na daan. Unti-unti nang nararamdaman ng mga drayber at mamamayan na ang tuwid na daan ni Aquino ay para sa interes ng US at iba pang malalaking dayuhan at lokal na negosyante habang patuloy na nalulubog sa kahirapan, taas-presyo, panunupil at patuloy na pagliit ng kita at sahod ng higit na nakakaraming mamamayang Pilipino ,” pagdidiin pa ni San Mateo.

“Habang ginigipit at kinakasuhan ni Aquino ang kanyang mga kritiko, subalit ang mga korap sa gobyerno gaya ng  mga nabunyag sa P10 bilyong Pork Barrel Scam ay hindi niya makasuhan. Mismong si Aquino ay tutol sa pagtanggal sa Pork Barrel ng Tanggapan ng Pangulo, gayundin sa mga Pork barrel ng mga Senador at Kongresista,” paliwanag pa n i San Mateo.

Ayon kay San Mateo, sa kasalukyan ay hindi pa nila pormal na natatanggap ang kopya ng kasong isinampa ng QCPD. Subalit binigyang-diin ni San Mateo na mariin nilang lalabanan ito sa Korte at Lansangan.

The post Kaso ng QCPD vs mga progresibong lider, binatikos appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan