IGINIIT ng isang arsobispo na wala siyang nakikitang lohika sa desisyon ni Pangulong Benigno Simeon Aquino III na tanggihan ang pagbibitiw sa pwesto ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ruffy Biazon, gayung una na niya itong sinermunan dahil sa hindi magandang performance ng BOC.
Ayon kay Lingayen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz, dating pangulo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP), nagtataka siya na sa kabila nang disgusto ni PNoy sa performance ng BOC ay hindi nito tinanggap ang pagbibitiw ni Biazon.
Matatandaang sa kanyang State of the Nation Address (SONA) ay pinuna ng pangulo ang aniya’y hindi magandang performance ng BOC, gayundin ang talamak na korapsiyon sa ahensiya.
Dahil dito, nag-alok si Biazon na magbibitiw sa pwesto, na sinundan naman ng dalawa sa kanyang anim na deputy commissioners, na sina Danilo Lim at Juan Lorenzo Tañada.
Tinanggihan naman ni PNoy ang resignasyon ni Biazon habang nakabinbin pa ang kina Lim at Tanada.
“If you tell them that they are thick faced then allow them to stay, what does that make of you,” ani Cruz.
“It does not make sense. It does not make logic,” aniya pa.
Sa panig naman ni Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, hinamon nito ang BOC na tukuyin ang mga senador at mga kongresista na umaakto umanong protector ng mga corrupt na customs officials.
“What is important is that those shadowy figures should be exposed. That is what is important. Expose those figures to the light,” ayon kay Bacani.
Nauna rito, ibinunyag ni Lim na ilang ‘powerful forces’ ang nakikialam sa operasyon ng BOC.
The post Pagtanggi ni PNoy sa pagbibitiw ni Biazon, wala sa lohika – Obispo appeared first on Remate.