FIRST round pa lang, lima na ang nasususpinde sa Lyceum of the Philippines Pirates.
Una si Tirso Lesmoras Jr. sumunod ay sina Andrei Mendoza at Dexter Zamora at sa huling laro ng Pirates kung saan ay natalo sila sa Emilio Aguinaldo College Generals, 76-83 ay sina Mark Francisco at at Joseph Ambohot.
Pinagdusahan na nina Lesmoras at Mendoza ang kanilang one-game suspension, si Zamora na nagdusa na ng isang laro ay hindi pa rin makapagsusuot ng uniporma dahil tatlong laro siyang suspindido.
Bukod kay Zamora, hindi rin makakalaro sina Francisco at Ambohot sa susunod nilang laban sa Agosto 15 kontra Jose Rizal University Heavy Bombers na gaganapin sa The Arena San Juan.
Naparusan si Lesmoras ng kinabig nito ang paa ni Perpetual Help Altas guard Chris Elorpe habang nakahiga ang una.
Binigyan naman ng unsportsmanlike act sina Medoza at Zamora sa laban nila sa College of Saint Benilde Blazers nang magkaroon pa ng contact pagkatapos tumunog ng final buzzer.
Sa laban ng Pirates sa Generals kinadyot ni Francisco si rookie Sidney Onwubere habang nagpupuwestuhan sa pagkuha ng rebounds.
Puwestuhan din sa pagkuha ng rebound ang kiskisan nina Ambohot at Onwubere kung saan ay nahuli ng referee na hinatak nito pababa ang huli.
Sa second half napatalsik sina Francisco at Ambohot kaya naman halos kinulang ang players ni coach Bonnie Tan papasok ng final period kung saan ay foul trouble na sina Shane Ko at John Azohores.
Samantala, bakasyon muna ang 89th NCAA senior men’s basketball tournament upang bigayng-daan ang FIBA-Asia Championship na mag-uumpisa bukas MOA Arena in Pasay City.
Babalik ang nasabing liga sa Aug. 12 kung saan ay maghaharap ang Arellano U at St. Benilde habang second game ang San Beda at San Sebastian.
The post Lyceum suki sa suspensyon appeared first on Remate.