Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Hamon ni Biazon sa kawani ng BoC: Simulan ang pagbabago sa sarili

$
0
0

MULING nanawagan si Bureau of Customs (BoC) Commissioner Rozano “Ruffy” Biazon na isulong ang mga programang pang-reporma sa ahensiya habang hinihikayat nito ang lahat ng mga manggagawa ng kawanihan na umpisahan ang pagbabago sa sarili.

“We have to reverse the decade of bad image of the bureau. We have to start the change within ourselves,” ayon sa isang panayam kay Biazon

Ginawa ni Biazon ang panawagan sa ginanap na pagdiriwang ng ika-127 anibersaryo sa pagkatatag  ng Customs office sa Port of Cebu kung saan pinangunahan niya ang pagbubukas ng ilang nasabat na kontrabando na nagkakahalaga ng P12-milyon.

Ilan sa mga nakumpiska ay 463 segunda-manong gulong, tatlong Mitsubishi Colt, isang Mazda Elf, isang payloader, anim na motorsiklo, tatlong speedboat, dalawang right-hand na ambulansiya at ilang ukay-ukay.

Nasabat din ang may dalawang container van ng automotive oil at hydraulic oil na ipinuslit bilang mineral oil.

Ayon kay Biazon, ang reporma sa ahensiya na isinusulong rin ni Pangulong Benino Aquino III ay mangyayari lamang kung ang lahat ng opisyal at empleyado sa adwana ay tatalima sa “Ttuwid na Daan” ng kasalukuyang administrasyon.

“Everyone needs to shape or be shipped out,” ani Biazon.

Hinimok din niya ang mga empleyado na husayan ang kanilang trabaho at mas lalo pang paigtingin ang pangongolekta ng buwis.

Ginawang halimbawa ni Biazon ang nakamit na tagumpay ng BoC sa Cebu nang malampasan nito ang kanilang target na koleksyon na P770.6 milyon mula P757.8 milyon para sa buwan ng Enero hanggang Hulyo ng taong kasalukuyan.

Kamakailan lamang ay napigilan ng mga operatiba ng Customs sa Cebu ang tangkang pagpuslit ng may 1,069 container vans na naglalaman ng 520,000 na sako ng bigas mula Vietnam na nagkakahalaga ng P1.2 bilyon.

Kumita ang ahensya ng humigit-kumulang na P40-milyon sa inisyal na subasta ng 24,000 sako ng bigas na naibenta sa halagang P1,560 o presyong mataas pa sa nai-irekomenda ng National Food Authority na P1,300.

Personal na ininspeksyon ni Biazon ang mga nasabing kontrabandong bigas na pinag-utos niyang madaliin ang pag-subasta.

Nasabi na sa ilang naunang ulat na inaasahan ng gobyerno na kumita ng P254-milyon sa ikalawang subastahan ng may 162,240 na sako ng bigas na gaganapin sa Cebu nitong ika-7 ng Agosto.

Kamakailan lamang ay ipinag-utos ni Biazon, na patuloy pa rin ang tiwala na tinatanggap kay Pangulong Aquino, ang pagbibitiw ng lahat ng district collector at subport collector para bigyang daan ang balasahan ng mga kawani sa ahensiya.

Bukod dito, isinusulong rin ni Biazon ang agarang pagpasa sa Customs Modernization Bill sa Kongreso na layunin na paunlarin ang kasalukuyang computerization system na magtatanggal sa ilang dekada ng korupsiyon sa ahensya.

The post Hamon ni Biazon sa kawani ng BoC: Simulan ang pagbabago sa sarili appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>