Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Apektado ng baha sa N. Cotabato, ipagdasal – Tagle

$
0
0

HINILING ni Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa publiko na ipanalangin sa Panginoon na iligtas sa kapahamakan ang mga residente ng North Cotabato at Maguindanao na dumaranas nang matinding pagbaha.

Nananalangin rin si Tagle sa Diyos na bumuhos ang tulong mula sa mga taong may ginintuang puso na magpapadama ng pagmamahal sa mga nasalanta ng baha.
“O Diyos na lumikha ng langit at lupa hinihiling po namin sa inyo na tingnan ng iyung mapagmahal na mga mata ang aming nga kapatid na ngayon ay dumaranas ng sakuna sa Cotabato. Nasa inyo pong mga kamay ang kaligtasan ng aming minamahal na nilikhang mga tao, nakikiusap po kami at buong pagpapakumababa na nanalangin iligtas mo po sila sa lahat ng kapamahakan,” bahagi ng panalangin ni Tagle para sa mga biktima ng baha sa Cotabato maging sa Maguindanao.
“…sila po ay padalhan ninyo ng mga kapatid na may ginintuang puso na magpapadama ng iyung pag-ibig,” aniya pa.

Samantala, nananawagan din si Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo sa lahat na ipagdasal ang kaligtasan ng mga residenteng inilikas dahil sa matinding pagbaha.

Umaapela din ang Obispo ng tulong mula para sa pangunahing pangangailangan ng mga apektadong mamamayan.

Humihingi ng tulong ang Archdiocese ng Cotabato para sa pangunahing pangangailangan ng mga evacuees sa Cotabato city na may isang linggo nang nanatili sa evacuation center bunsod ng pagbaha sa lalawigan.

Ayon kay Father Edwin Degracia, rector ng Immaculate Concepcion cathedral,  umaabot na sa 5,000 pamilya ang nasa temporary tent sa mga kalsadang hindi pa binabaha at sa Social Action Center gym ng Archdiocese ng Cotabato.

Kabilang aniya sa mga pangunahing pangangailangan ng mga apektadong residente ay mga canned goods, bigas, damit, mga kumot at mga gamot para sa mga binahang residente na sumasakop sa 7 barangay sa lalawigan.

May isang linggo na umano ang walang tigil na ulan sa Cotabato City at malaking banta sa paglubha ng baha dito ang pagdami ng water hyacinth.Ani Degracia, mahigit isang buwan nang bumabaha sa Cotabato City na mas pinatindi ng halos isang linggong pag-ulan.

Naniniwala si Degracia na ang kabiguan ng national at local government na linisin o i-dredge ang water hyacinth sa Rio Grande river ang nagdudulot ng matinding pagbaha sa kanilang lugar.

Aniya, taong 2011pa ang problema sa water hyacinth na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin nareresolba ng gobyerno.

The post Apektado ng baha sa N. Cotabato, ipagdasal – Tagle appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan