Quantcast
Channel: Breaking News – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Albay pinutulan na ng kuryente dahil sa P1-B utang

$
0
0

HINDI nagbuga ng asupre ang Mayon Volcano o kaya ay may nagbabadyang mananalasang bagyo kundi naputulan ng suplay ng kuryente ang lalawigan ng Albay kaya tiyak na madillin dito mamayang gabi.

Eksaktong alas 12:00 kaninang tanghali nang tuluyang putulan ng suplay ng koryente ang lalawigan ng Albay ng mga kawani ng Philippine Electricity Market Corporation (PEMC) .

Ito’y dahil s  disconnection notice mula sa PEMC sa Albay Electric Cooperative (Aleco) na itutuloy nila ang bisa ng diskoneskyon ng kuryente ngayong araw.

Ito’y kasunod ng aabot pa sa P56 milyong balanse ng Aleco sa  PEMC  mula sa halos P74 million na utang sa current bill.

Ilang beses na ring naantala ang nasabing disconnection dahil sa pakiusap ng ilang malalaking opisyal sa lalawigan.

Subalit ngayon ay  nagdesisyon na ang nasabing power supplier na hindi na muling pagbibigyan ang kooperatiba.

Maliban sa P56 million, may aabot pa sa P962 million o kulang-kulang isang bilyon ang utang ng Aleco sa PEMC mula noong taong 2010.

Sa ngayon, lahat  ng anim na substation sa lalawigan ay wala ng suplay ng koryente  habang hindi pa malinaw kung kailan ito  maibabalik.

Labis naman ang pagkadismaya ng mga kunsimidores lalo na ang may mga negosyo kung bakit hindi nagawan ng paraan ang naturang hakbang ng PEMC.

The post Albay pinutulan na ng kuryente dahil sa P1-B utang appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 14412

Trending Articles


SUCs binalaan ni Bam vs paniningil ng miscellaneous fees


Dalumat ng Pagkataong Pilipino


2 kelot huli sa sex act sa CR ng bar


Biktima ng salvage, itinapon sa damuhan


Shintaro Valdez, asawa na ni Ms. Annette Gozon!


Mga kasabihan at paliwanag


ORASYON PAMBUNOT NG NGIPIN


SINDIKATO


NAGTATAMPISAW


Estudyante malubha sa pagtulong sa kaibigan



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>