SINIMOT ng mga kawatan ang mamahaling mga gamit at cash sa bahay ng isang barangay chairman at isang negosyante kaninang madaling araw July 30 sa Brgy. Tonsuya, Malabon City.
Kinilala ang mga bikitma na sina Roderick Fulgencio y Nadurata, may asawa, barangay chairman ng Niugan at si Teodoro Fulgencio y Alonzo may asawa, nesosyante, pawang residente ng 81 Sanciangco St. kanto ng Pinagpala st., Tonsuya ng lungspd.
Mabilis na tumakas ang hindi pa kilalang mga suspek tangay ang isang Samsung 32 inches LED television, Hyper home theatre, P40,000, P90000, Bosh speaker P20,000, japanese bike P8,000.00, 2 unit cherry mobile phone 3000.00, asorted na gintong alahas P75.000.00, at cash na P5.000.00
Base sa isinagawang imbestigasyon ni P02 June Belbes, ng Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, na dakong alas 2:00 kaninang madaling araw ng pagnakawan ang bahay mng mga biktima sa nasabing lugar.
Nabatid, wala sa kanilang bahay ang mga biktima nang mangyari insidente at nagulat na lamang sila ng datnan sira na ang kanilang pintuan at linimas ang kanilang mga mamahaling kagamitan.
Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam kung anong uring sasakyan ang ginamit ng mga magnanakaw.
The post Kagamitan ng Tserman, negosyante, nilimas ng kawatan appeared first on Remate.