SIYAM na informants ang tumanggap kaninang umaga Hulyo 30, 2013 (Martes) ng reward na pera mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagkakahalaga ng P2,614,188.06 milyon dahil sa pagbibigay ng impormasyon na nagresulta ng pagkakadakip ng lokal at foreign drug personalities at pagkakakumpiska ng illegal na droga.
Personal na iniabot ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang reward money sa siyam na informants na nagbigay ng impormasyon sa PDEA mula sa operasyon ng Private Eye (OPE) na ipinagkaloob sa pagdiriwang ng PDEA 11th Anniversary Celebration sa DEA National Headquarters sa Quezon City.
Ayon sa PDEA ang OPE ay isang reward o insentibo na ibinibigay sa mga pribadong sibilyan na nagbibigay ng impormasyon sa mga hinihinalang illegal drug activities sa kanilang komunidad.
Ang Private Eye Reward Committee ay binubuo ng mga miyembro ng academe, non government organization, law enforcement, religious at business sectors, na inaprubahan ang pagbibigay ng monetary rewards sa mga informants na nagbigay ng impormasyon sa illegal drugs activities.
Ang siyam n informants ay kinilala lamang sa kanilang codenames na pangalan na Bogart, Dagul, Miami, Ambong, Storm, Mustang, Black Mail, Master at Unico.
“OPE aims to counter fear and apathy as hindrances to active participation of the citizenry in reporting illegal drug activities by ensuring anonymity of the informant and the confidentiality of the information. We required the informants to wear ski masks during the awarding ceremony to hide their real identity,” ayon kay Cacdac .
Ayon sa PDEA, sa mga informants tanging si Miami ang tumanggap ng malaking reward na nagkakahalaga ng P1.5 million pesos.
Ang kanyang impormasyon ay naging daan para makumpiska ang may 34.5 kilograms na shabu at pagkakadakip sa tatlong Chinese national sa isinagawang buy-bust operation sa Binondo, Manila nitong nakalipas na Hunyo 18, 2013.P2.6-M reward, ipinagkaloob ng PDEA sa 9 na informants
SIYAM na informants ang tumanggap kaninang umaga Hulyo 30, 2013 (Martes) ng reward na pera mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nagkakahalaga ng P2,614,188.06 milyon dahil sa pagbibigay ng impormasyon na nagresulta ng pagkakadakip ng lokal at foreign drug personalities at pagkakakumpiska ng illegal na droga.
Personal na iniabot ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac Jr., ang reward money sa siyam na informants na nagbigay ng impormasyon sa PDEA mula sa operasyon ng Private Eye (OPE) na ipinagkaloob sa pagdiriwang ng PDEA 11th Anniversary Celebration sa DEA National Headquarters sa Quezon City.
Ayon sa PDEA ang OPE ay isang reward o insentibo na ibinibigay sa mga pribadong sibilyan na nagbibigay ng impormasyon sa mga hinihinalang illegal drug activities sa kanilang komunidad.
Ang Private Eye Reward Committee ay binubuo ng mga miyembro ng academe, non government organization, law enforcement, religious at business sectors, na inaprubahan ang pagbibigay ng monetary rewards sa mga informants na nagbigay ng impormasyon sa illegal drugs activities.
Ang siyam n informants ay kinilala lamang sa kanilang codenames na pangalan na Bogart, Dagul, Miami, Ambong, Storm, Mustang, Black Mail, Master at Unico.
“OPE aims to counter fear and apathy as hindrances to active participation of the citizenry in reporting illegal drug activities by ensuring anonymity of the informant and the confidentiality of the information. We required the informants to wear ski masks during the awarding ceremony to hide their real identity,” ayon kay Cacdac .
Ayon sa PDEA, sa mga informants tanging si Miami ang tumanggap ng malaking reward na nagkakahalaga ng P1.5 million pesos.
Ang kanyang impormasyon ay naging daan para makumpiska ang may 34.5 kilograms na shabu at pagkakadakip sa tatlong Chinese national sa isinagawang buy-bust operation sa Binondo, Manila nitong nakalipas na Hunyo 18, 2013.
The post P2.6-M reward, ipinagkaloob ng PDEA sa 9 na informants appeared first on Remate.