SWAK sakulungan ang dating tauhan ng simbahan nang tangayin nito ang mga alahas ng kawani at koleksyon ng simbahan kagabi July 29 sa Brgy. Tugatog, Malabon City.
Kinilala ang suspek na si Christian Dagami, 18, binata, church worker at residente ng PNR compound Samson Road, Caloocan City.
Ayon sa isinagawang imbestigasyon ni P02 Cleo Bejar Station Investigation Division (SID) ng Malabon pulis, dakong alas 6:00 kaninang umaga ng madiskubre ang insidente sa Sacred Hearth Parish Church ng nasabing barangay.
Nabatid, sa kabila ng tatlong taon ng nanungkulan sa simbahan ang suspek ay tinangal ito bilang worker ng mapatunayan ninakaw ang alahas ni Nelia Espina y Fajardo, 55, sta-in,secretary at treasurer ng simbahan ng iasuli nito ang nasabing alahas.
Kinaumagahan nagulat na lamang ang biktima ng makitang niransak ang pintuan ng kumbento at ninakaw P60.000, cash koleksyon ng simbahan.
Inakyat ng suspek ang pader bago tinungo ang kwarto kung saan batid ng una ang kinalalagyan ng pera ng simbahan.
Pormal ng sinampahan ng kasong robbery ang suspek sa piskalya ng lungsod.
The post Koleksiyon ng simbahan, kinulimbat ng dating tauhan appeared first on Remate.